Tunog Barbero

Audio

Noong isang araw, nabasa ko sa tweet ng isa kong kaibigan ang ukol sa Youtube video na ito. Nang pinakinggan ko ito, labis-labis akong natuwa, kaya’t minarapat ko ibahagi ito dito sa blog ko.

Ang Pagupitan

Marahil marami sa atin, kahit minsan lamang sa ating buhay, lalong-lalo na ang mga kalalakihan, ang nakapagpagupit na sa barbero. Kung oo, marahil kaya mong ilarawan sa iyong isip ang imaheng makikita mo sa loob ng pagupitan – ang mga gunting, labaha, umiikot na silya, at chikahang walang pakundangan.

Kung ganoon, marahil din ay magugustuhan mo ang Youtube video na ito!

Gamit diumano sa paggawa ng tunog na ito ang tinatawag na “Binaural Recording.” Gumagamit ito ng dalawang mikroponong nakaayos upang lumikha ng isang tunog na 3D, na tila ang mga instrumento o taong lumilikha ng tunog ay tunay na nasa parehong kwarto ng nakikinig.

Panuto: Ang Binaural recording ay laan lamang na pakinggan gamit ang headphones o earphones, at hindi maayos  na naisasalin gamit ang mga speaker. Kaya’t babala lamang kung nais niyong pakinggan ang video na ito, dapat ay sundin niyo ang mga sumusunod:

  1. Dapat ay headphones o earphones ang gamit niyo. Pakisigurado lang ang mga ito ay nasa tamang posisyon. Ang kanan ay para sa kanan, at ang kaliwa ay para sa kaliwa.
  2. Kung maaari, pakinggan niyo ito sa lugar na walang gaanong ingay.
  3. Medyo lakasan ng kaunti ang volume nang marining niyo ng mas klaro ang mga tunog.
  4. Magrelaks, ipikit ang inyong mga mata, at i-enjoy! 🙂
Advertisements

Pauso sa araw ng mga patay

Standard

Kung kilala niyo na ako ng lubusan (o ang istilo ko ng pagsusulat), malamang alam niyo na mas kumportable akong ilahad ang aking mga kaisipan at saloobin gamit ang wika mas gamay kong gamitin – ang wikang Filipino.

Kaya’t napagtanto kong simulan ang isang bahagi ng aking blog na maglalathala ng aking mga sulating nasa wikang Filipino. Ito’y hindi lamang upang maipahayag ko ng mas mainam ang aking pang-araw-araw na karanasan at ideya, kung hindi para na rin magbigay-pugay sa isa sa mga wikang pinakamarilag at pinakamayaman sa kultura.

Para gunitain ang aking pagdiriwang ng ating wika, at pagdaos natin ng Undas, narito ang isang kuting. :)

Para gunitain ang pagdiriwang ng ating wika, at pagdaos na rin natin ng Undas, narito ang isang kuting para sa inyong lahat. *meow* 🙂

Kung ang iba kong post ay tatawagin kong “Bottomless servings,” ang mga bagong post ko naman na naisulat sa Filipino ay tataguriang “Samalamig servings,” na nagtatanghal ng isang inuming kumakatawan sa kulturang Pinoy – ang samalamig!

Mabuhay ang wikang Filipino!